olivue:

Featured Blogger of the Week | WIGGIBOY

About:

Wiggi | 17 | AsianBusiness Economist | Staff Writer | Bitch 

A lil’ bit Description:

Si Wiggi, makulet at madalas maka t.a at maka text ko rin. Syempre, Awesome na blogger ‘to. Mabait, kapag tulog. Lol. Hindi, mabait talaga. Mahilig sa Chicx.

Follow Him

LOL Salamat dito, Ralph. :)

In love Adolf Hitler.

ginagonyaako asked: Masasabi mo bang mahal ka ng isang tao kahit di nya kayang itake ang isang risk? Ano sa palagay mo? :3

Depende sa risk na tatahakin niya. Kung RISK na para sa kanya lang, good luck. Pero kung para sakin, dapat naman talaga na itake niya ang risk no matter what. Of course, dun din kasi nasusukat kung mahal ka talaga ng isang tao. EFFORT kung tawagin.

This situation is common for GUYS. Nangyayari ang tanong mo espcially tuwing ligawan. Eh wala rin kasing sense ang love niya kung hindi siya handa o hindi man lang niya matake yung risk para sa  taong mahal niya.

Hindi na Public Administrator

Nag shift na kasi ako ng course. From BS in Public Administration to BS in Business Administration major in Business Economics. Napagtanto ko lang kasi na mas maganda ang opportunities after I graduate kung Business ang kukunin kong kurso at hindi Governance. Hindi ko naman minamaliit yung previous course ko. Hindi lang talaga suitable sakin yung course na yun even though it has also something to deal with governing cheness.

May nagsabi na rin sakin na “From business comes governance”. At narealize ko na marami kang pera kapag business pinili mong course, depende na rin sa diskarte mo sa buhay di ba.

#life  #BSBA  
#^this  

HANGKYOT!

“Mind yours.”

#rant  #haha  

Happy Monthsary, baby.

I am so happy to have you in my life, baby. Another month has passed and I am hoping that we will last longer until I am ready to marry you. This GIF above is very sentimental to me. You hugged me like this, baby. It’s when you missed me a lot and you hugged me tight.

I have no more words to say, baby. All I know is I do love you so much. Thank you for everything, baby. :)

#baby  #monthsary  #life  

Kwentong Ospital

If you only have time to read..

Ilang araw na ring wala kaming contacts sa isa’t isa. Simula nung nilagnat siya, hindi muna kami nagtetext para naman makapagpahinga siya ng maayos. Ni hindi rin kami nagkakamustahan sa facebook. Of course miss na miss ko na talaga siya. 

At nung sabado (May 19, 2012), nagtext yung kaibigan niya na na admit ang girlf ko sa ospital dahil sa dengue. So I stay calmed. Okay. Pinuntahan ko ang ospital na pinagtanungan ko. Pero wala naman yung girlf ko dun. Kaya sinabihan ko nalang yung kaibigan niya na i-update nalang ako since magkapitbahay lang sila. I can’t call her either. Kaya dumiretso nalang ako sa meet up ng Davaokada. 
Kinukulit ko yung ate niya sa facebook kung saang ospital talaga na admit si Prenel (girlf ko). I asked her if I could visit. Sabi niya oo naman. Actually malapit lang talaga samin yung ospital. Pero nabusy ako eh. 

So nung Monday (May 21, 2012) binisita ko na talaga siya sa ospital. Nagdala ako ng mangga at apple para sa kanya. Inabutan ko siya sa room kasama ang barkada niya. Awkward lang kasi maraming tanong yung barkada niya tungkol sakin. Actually perstaym ko ring nameet sila. 

And when I look at her, she felt so weak and sick. Namumula yung mga braso at binti niya. Stage 2 kasi dengue niya. 13 lang platelets niya. In a human body, 140 is the normal number of platelets. So imagine? Parang masakit talaga ang dinaanan ni baby ko. In just one day, inalagaan ko siya. Sinubuan ko siya nung lunch at may nalalaman pa akong “here’s the airplane, bebe oh”. Nacoconscious ako masyado kasi andun ang ate niya at yung mga barkada niya. 

After her lunch, nanood kami ng The Vow sa phone ko. Pero di namin natapos kasi dumating ang mama niya. YUN YUN EH. Kinabahan ako kasi tumabi talaga ako sa kama and it was so inappropriate. Pero nakaupo naman kami. Anyway, mabait naman nanay niya. Pero di pa lumilingon sakin. At nung pinakilala ako ng ate niya, Dun na siya tumingin sakin. And I say, 

Me: hi, tita. :) 
Mama niya: ANONG TITA?! 

At nagtawanan kami. It was just her joke, actually. Pero kinabahan pa rin ako dun. 
Ayun, her mom asked random questions about me. Hanggang naging friends na kami. I do like her mom. Mabait. Maalaga. Masayahin. Kami nalang dalawa ang naiwan para mag-alaga kay Prenel. Umuwi na kasi yung ate niya at mga barkada niya eh. Umuwi na rin ako sa dorm around 9 pm. Mga oras na yun, 98 na platelets niya. So mataas talaga ang idinagdag. 

So Tuesday (May 22, 2012), nagtext si Tita na makakalabas na sila sa ospital. Nagtext na rin siya sakin nung kinahapunan. 163 na raw platelets niya. So ayos na. She’s getting back to normal. 

WE, actually, are getting back to normal. Mahal na mahal ko siya. Sobra.

#life  #her  #baby  #kwento